Sumali sa lumalaking network ng mga tagapagtaguyod at boluntaryo na kumikilos kasama ng mga mangingisdang napalayas sa Taliptip. Ang iyong suporta ay nagpapalakas sa laban para sa makatarungan at pangmatagalang solusyon na nakasentro sa komunidad.
Sa iyong pagsali, ikaw ay:
Mananatiling may alam — Makakatanggap ng mga update tungkol sa mga kaganapan, webinar, at gawaing pangkomunidad.
Makikipag-ugnayan at makikipagtulungan — Makakakonekta sa mga organisasyong nagsusulong ng hustisyang pangkalikasan at panlipunan.
Kikilos — Sasama sa mga sama-samang hakbang upang palakasin ang boses ng mga apektado ng NMIA project.
Sumali ngayon at asahan ang mga email update tungkol sa mga paraang maaari kang tumulong nang direkta.
Ang Pagkakaisa ng Mangingisda at Mamamayan ng Manila Bay (PMMB) ay isang grassroots organization na binubuo ng mga mangingisda at lokal na residente na nagtatanggol sa Manila Bay laban sa corporate land reclamation at sapilitang pagpapalayas.
Ipinaglalaban ng PMMB ang karapatan ng mga nasa laylayan, isinusulong ang makatarungang pagpapaunlad ng baybayin, at ipinaglalaban ang hustisyang pangkalikasan.
Kaakibat ng PMMB, tinitiyak ng Lambat na nananatiling sentro ng adbokasiyang ito ang laban ng mga mangingisda para sa kanilang tahanan at kabuhayan.
Bilang isang maliit at independent na proyekto, nakikipagtulungan ang Lambat sa isang external na NDMO upang direktang maitulong ang mga nalilikom na pondo sa mga mangingisdang napalayas sa Taliptip. Sa ngayon, tumatanggap kami ng G-Cash donations — ang lahat ng malilikom ay mapupunta sa mga operasyon at inisyatibo ng PMMB.
Paano Mag-donate:
Buksan ang iyong G-Cash app at i-scan ang QR code sa ibaba.
Ilagay ang halagang nais mong ipagkaloob.
Ipadala ang screenshot ng iyong resibo sa lambatorg@gmail.com gamit ang subject: “[PANGALAN]: Donation for Taliptip”.