Ang proyekto ng New Manila International Airport (NMIA) ay nagpalikas ng humigit-kumulang 700 pamilya sa Bulakan, Bulacan. Gayunpaman, 359 na kabahayan lamang ang opisyal na kinilala ng San Miguel Corporation (SMC) bilang karapat-dapat sa relokasyon o kompensasyon.
Isang P735 bilyong imprastraktura — layong bawasan ang siksikan sa himpapawid ng Metro Manila at pasiglahin ang ekonomiya. Ngunit, kasabay ng proyektong ito ay ang patuloy na pangamba ukol sa epekto nito sa lipunan at kalikasan.
90.8% ng fisheries output ng Bulacan ay galing sa aquaculture — direktang apektado ng land reclamation para sa NMIA. Hindi lamang kabuhayan ng mga mangingisda ang nakataya, kundi pati ang seguridad sa pagkain ng rehiyon.
Ang NMIA ay isa lamang sa 25 reclamation projects na nakatakdang itayo sa Manila Bay. Nagdulot ito ng matinding usapin tungkol sa pangmatagalang epekto nito sa baybayin, kalikasan, at mga lokal na komunidad.
Ayon sa 2021 Environmental and Social Impact Assessment (ESIA) ng SMC, ang konstruksyon ng NMIA ay inaasahang maglalabas ng 1.5 milyong tonelada ng CO₂. Kapag ganap nang operational, ang mga landing at take-off cycles ng paliparan ay maglalabas ng mahigit 1 milyong tonelada ng CO₂ taun-taon.
Batay sa mga ulat ng mga apektadong mangingisda, bumagsak ng 80% ang kanilang kita — mula sa dating P1,000 kada araw bago ang proyekto, ngayon ay P200–P300 na lang matapos ipatupad ang mga paghihigpit sa pangingisda.
Nagpasa ang San Miguel Corporation (SMC) ng unsolicited proposal para sa NMIA — isang P735 bilyong proyekto na layong bawasan ang pagsisikip ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at palakasin ang ekonomiya. Ang paliparan ay nakatakdang sakupin ang 2,500 ektarya sa Bulakan, Bulacan.
Lambat Photo
Matapos ang Swiss challenge kung saan walang ibang kumpanya ang nagsumite ng panukala, nilagdaan ng SMC — sa pamamagitan ng San Miguel Aerocity Inc. — ang isang concession agreement kasama ang Department of Transportation (DOTr) upang itayo at patakbuhin ang NMIA sa loob ng 50 taon. Pagmamay-ari pa rin ng gobyerno ng Pilipinas ang paliparan sa ilalim ng build-operate-transfer program.
Photo by Shara Joy Tobias/Altermidya
Isinagawa ng SMC ang groundbreaking ceremony para sa NMIA noong Oktubre 14, 2020—hudyat ng opisyal na pagsisimula ng proyekto.
Photo from Kalikasan PNE
Nagsimula ang unang bahagi ng konstruksiyon ng NMIA noong Marso 18, 2022 — kabilang ang dalawang runway at terminal buildings. Inaasahang matatapos ito sa 2028.
Photo by Gaea Cabico/Philstar
Suportahan ang laban kontra sa sapilitang pagpapalayas at pagkasira ng kalikasan. Mmag-donate sa mga grassroots organizations, at makiisa sa mga tagapagtanggol ng Manila Bay.